Walang “Endo” sa mga Nagwewelga sa NutriAsia – DOLE

Published on

Kamakailan ay naglabas ng pasya ang DOLE Region 3 na nagsasaad na ang mga manggagawang nagpoprotesta sa labas ng gawaan ng NutriAsia sa Marilao, Bulacan ay mga kawani nga ng B-Mirk (at hindi mga kawani ng NutriAsia), tulad ng dati nang ipinahiwatig din ng NutriAsia. Kaugnay nito, patuloy na magiging maunawain ang NutriAsia upang maisaayos ang mga suliranin ng mga manggagawa sa mapayapang pamamaraan.

Lubos na ikinalulungkot ng NutriAsia ang mga pangyayari nitong nakaraang buwan na umani ng mga hindi kanais-nais na puna dahil sa mga maling impormasyon na naikalat. Ang NutriAsia ay patuloy na maninindigan sa panig ng katotohanan at umaasa na sana ay gayon din ang gawin ng ibang mga pangkat at indibidwal.

Kami sa NutriAsia ay parating babaling sa aming mga pinahahalagahan bilang isang samahan – pagkakaroon ng Malasakit, Kahusayan, Paggalang, Katalinuhan na may Katapatan, at Pagtutulungan. Aming hiling sa bawat isa na sana ay makapagpatuloy tayo habang isinasaisip kung ano ang tama at mabuting gawin para sa kapakanan ng lahat.